Tuesday, June 21, 2011

Gamit ng Pangngalan

Alam nating ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ngunit alam mo bang maaaring magkaroon ng iba’t ibang gamit ang pangngalan sa loob ng pangungusap?

Paksa – ito ang bahaging pinag-uusapan sa  pangungusap.


Kaganapang pampaksa – tumutukoy o nagbibigay-turing sa paksa . Pinangungunahan ito ng panandang ay kung nasa di karaniwang ayos ang pangungusap.


Tuwirang layon – ito ang bumubuo sa diwang ipinahahayag ng pandiwa at sumasagot sa tanong na ano.


Layon ng pang-ukol – ito ang pinaglalaanan ng kilos at ginagamit pagkatapos ng mga pang-ukol.

      

Pangngalang pamuno – tumutukoy sa nauunang pangngalan at nagpapaliwanang ng kahulugan nito.

        
Pangngalang panawag – ginagamit sa tuwirang panawag.

27 comments:

  1. Layon ng Pang-ukol-Ito ay may salitang SA sa unahan.
    Hal: Ayon sa kanya, ang Diyos ang may alam sa lahat.

    ReplyDelete
  2. hindi lang 'sa' ang pananda ng pang-ukol,pwede ring gamitin ang kay at kina

    ReplyDelete
    Replies
    1. wee..totoo assignment kasi nmin yn ehh

      Delete
    2. oo assinment ko din yan

      Delete
  3. how about pamuno sa layon ng pandiwa at pamuno sa layon ng pang-ukol?

    ReplyDelete
  4. Hello, um. Same lang ba yung Paksa at Simuno. K,thanks:>

    ReplyDelete
  5. Hiii!! Di ba yung layon ng pang-ukol, ''ayon sa, ukol sa, tungkol sa'' ? Tama ba iyon???? :)))) Paki-tama nalang kung mali.

    ReplyDelete
  6. Tama. Ang ayon sa, ukol sa, tungkol sa, at iba pang kauri nito ay mga pang-ukol.

    ReplyDelete
  7. magkatulad lang ang paksa at simuno, kapwa ito pinag-uusapan sa pangungusap

    ReplyDelete
  8. maaari mo bang linawin ang ibig mo sabihin sa pamuno sa layon ng pandiwa at pamuno sa layon ng pang-ukol...sa pagkakaalam ko walang ganitong pagtalakay sa ating balarila...salamat

    ReplyDelete
  9. Anong gamit ng pangngalan ito "Narinig mo ba ang ulat tungkol sa LAGAY NG PANAHON?" .. ? thanks.

    ReplyDelete
  10. Pwede mag bigay ng example sa lahat ng gamit ng pangalan

    ReplyDelete
  11. Ano po ba ang kahalagahan ng pangngalan??

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang pangngalan ay noun sa ingles...
      kung walang pangngalan ano ang itatawag natin sa mga tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari na nasa ating paligid
      kung walang pangngalan pare-pareho na lang ang tawag natin sa lahat..hindi naman yata maganda iyon di'ba

      salamat sa pagbisita

      Delete
  12. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  16. please give an examples....

    ReplyDelete
  17. Anu ang magandang panimula sa pagtuturo ng pa
    ksang pang-ukol?

    ReplyDelete