Maraming mga bagay na ating nakikita o di kaya ay ginagamit subalit hindi natin batid ang tawag sa mga ito. Kabilang dito ang mga sumusunod:
estutse – bag o anumang lalagyan ng instrumentong ginagamit ng mga doktor.
lumbo – tabong inuman na yari sa bao ng niyog.
damahuwana – malaking boteng maikli at maliit ang leeg at karaniwang nababalutan ng nilalang yantok.
paleta – hugis-pusong haluan ng pintura ng mga pintor; kasangkapang ginagamit ng mga kantero sa pagpapantay ng semento.
ulabat – harang sa pinto na lampas-tuhod ang taas, upang hindi makalabas ang mga batang bago pa lamang nag-aaral lumakad.
Maraming salamat... Iyang estutse na yan pinahirapan ako.. hehehe... estuche in spanish, case sa english... grabe di ko nakita yan dati nung nag-aaral ako sa assignment lang ng kapitbahay ko nakita... kasi nandito ako sa mindanao, kaya sa kin nagpapatulong kasi tagalog ako... nahirapan akong iresearch sa net...hehehe.
ReplyDelete