Monday, November 12, 2012

Gabay sa Ortograpiya (pagpapatuloy)

Mabuhay ang Wikang Filipino!

Ituloy natin ang paglalahad ng mga bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino.

Sinusunod din ang tuntunin sa mga salitang-ugat na may pangngalang kabilaan (unlapi at hulapi)

Halimbawa: pagsunod-sunurin                    pagdugtong-dugtungin

4.3 Kung ang unang pantig ng salitang hiram ay may kambal  katinig o klaster, inuulit ang unang katinig at patinig

Halimbawa: prito - magpi-prito                plano -  paplanuhin

Sa mga salitang hiram naman na karaniwa'y sa Ingles, ang inuulit ay ang tunog ng unang KP (katinig-patinig) ng orihinal na ispeling.

Halimbawa: brown out - magba-brown out      photocopy - magpo-photocopy

4.4 Kung ang salitang hiram ay may digrapo o kambal katinig na may iisang tunog, inuulit ang digrapo at ang unang patinig o tunog sa Filipino ng unang pantig.

Halimbawa: tsokolate - magtso-tsokolate        shopping - magsha-shopping

No comments:

Post a Comment