Ginagamit ang mga tayutay o figure of speech sa wikang Ingles upang mapaganda at magawang mabisa, masining, at kawili-wili ang paglalarawan. May ilang mga tayutay na karaniwan nating naririnig sa ating magulang o kaya'y sa nakatatanda. Bagamat matalinghaga, patunay ito na napakayaman ng ating wika.
- Pagtutulad - Paghahambing na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, parang
- Pagwawangis - Paghahambing na tiyakan o tuwiran.
- Personipikasyon - Pagbibigay-buhay sa mga bagay na tila isang tao
- Pagmamalabis - Nagpapahayag ng sukdulan ng isang pangyayari
- Pagtawag - Pakikipag-usap na tila kaharap.
No comments:
Post a Comment