Saturday, June 23, 2012

Gamit ng May at Mayroon

Maliban sa ng at nang, marami pa rin ang nalilito sa kung kailan ba talaga dapat gamitin ang may at mayroon.

Hindi tulad ng NG at NANG na hindi halos makikita ang pagkakaiba at sinasabi ngang maaari nang pagpalitin, ang MAY at MAYROON ay may tanging gamit na kapag napagpalit ay makaaapekto sa paraan ng pakikipagtalastasan.

Gamit ng May
  • Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, at panghalip sa anyong paari
          Halimbawa: May batang pumasok sa silid.
                             Ang blusa ay may magandang kulay.
                             Nang dumating ako ay may bumati sa aking kaibigan.
                             May mahusay magtalumpati sa klaseng iyan.
                             May kanya-kanyang silid ang magkakapatid.
  • Ginagamit din ito kapag sinusundan ng mga at sa na ginagamit upang maglarawan.
          Halimbawa: May mga nagkalat ng papel sa ilalim ng mesa.
                             Kakaiba talaga si Kulas, may-sa palos ang taong iyon!

Gamit ng Mayroon
  • Ginagamit ang mayroon kung sinusundan ito ng panghalip na nasa anyong palagyo
          Halimbawa: Mayroon akong bagong sapatos.

  • Ginagamit ang mayroon bilang pansagot sa tanong.
          Halimbawa: May pasok ba ngayon? Mayroon.

8 comments:

  1. ano po yung palagyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palagyo-Ang pangngalan ay ginagamit bilang simuno o paksang pinag- uusapan sa pangungusap.

      Delete
  2. Salamat po!
    nakatulong po ito sa pag-aaral ko po!

    ReplyDelete
  3. So the prophecy states: The dirt underneath Her soles hath crumbled to ash, and the snow on Her fluttering eyelashes hath melt into moonblood. When the crooked needle rights itself before the council,and the unbidden are buried infields of glass, His dominion shall fall. Declared is this in the mausoleum of the fates, and the decrepit shall find themselves at the mercy of the Pillar.

    ReplyDelete
  4. thank you for this!!

    ReplyDelete