Monday, July 18, 2011

Wikang Tiruray


Ang mga Tiruray ay pangkat-etniko na matatagpuan sa Maguindanao at Sultan Kudarat. Pangunahin nilang ikinabubuhay ang pagsasaka, pangangaso, pangingisda, at paghahabi ng mga basket. Malaking bahagdan ng kanilang populasyon ay patuloy pa ring isinasagawa ang kanilang katutubong kaugalian at mga ritwal.

Wikang Tiruray ang tawag sa kanilang wika. Kapansin-pansin sa kanilang wika ang paggamit ng titik F sa kanilang mga salita. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod:

fadi – kahoy na espadang ginagamit sa pagsasayaw ng mga Tiruray

fagafulan – tansong kahon na lalagyan ng apog at nganga

faguntang – uri ng bitag ng mga Tiruray na ginagamitan ng torso para   mahulog sa   matutulis na kawayan ang nasa bitag

falendag – manipis na kawayang may apat na butas na ginagamit na     instrumentong pangmusika ng mga Tiruray

fekon – tawag sa pagbibilad ng palay

fuyu – tawag sa sarong na ginagawang duyan ng bata

11 comments:

  1. katangian, produkto, kultura at uri ng pamumuhay?

    ReplyDelete
  2. fiyo---maganda
    dakel---malaki
    siko---pusa
    ito---aso
    marami pa akong alam...nakapapagod isulat
    mga libo-libo pang salitang t'duray

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano po ba sa t'duray ang magandang gabi ?

      Delete
    2. Ask ko lang po ano ung significant food ng mga tiruray kapag ang okasyon ay kasal? salamat sa makakasagot

      Delete
    3. may dagdag pa akong katanungan, patungkol sa kasal. Paano yong proseso o pagkakasunod-sunod ng kasal nila? pagkatapos ano yung sinasabi ng nagkakasal at ung sinasabi ng kinakasal sa isa't isa? dapat in tiruray language po then translate nyo po sa tagalog. sana matulungan nyo po ako kc project nmin to ei ,,, i dramatized po nmin to. salamat

      Delete
    4. ano pa po ba yung ibang halimbawa ng salitang tiruray?

      Delete
  3. follow niyo naman po ako...
    http://tulangtagalogsamindanao.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa karagdagang impormasyon..asahan mong susundan ko rin ang iyong blog :)

      Delete
  4. Pano po ba kasalin Ang mga teduray??may mga ritwal pa ba ginagawa bago kasalin at ano po Ang proseso ng pagkasal ?

    ReplyDelete
  5. ano pa po ba ibang halimbawa ng salitang tiruray?

    ReplyDelete