Ang mga impormasyong nasa blog na ito ay inaasahan kong nakatutulong para sa lalo pang pag-unawa sa asignaturang Filipino gayundin matutuhan nating bigyang-pansin at yakapin ang ating Pambansang Wika.
Huwag sana tayong maging mangmang sa ating sariling wika.
Kung may ibig po kayong talakayin ko kaugnay ng asignaturang Filipino ay ipagbigay-alam lang po at pagsisikapan ko po itong sagutin sa abot ng aking makakaya at kaalaman.
Gayundin ang pagbabahagi ng iba pang kaalaman tungkol sa iba't ibang wikang umiiral sa Pilipinas ay malugod kong tinatanggap nang sa gayon maabot din natin, malaman din natin ang yaman at kariktan ng mga wikang ito.
Muli ang aking pasasalamat sa lahat ng bumibista sa blog na ito.
Extend your reading habits and critical thinking for the topic discussed in the school is presented on this site.
Monday, November 12, 2012
Gabay sa Ortograpiya (pagpapatuloy)
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Ituloy natin ang paglalahad ng mga bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino.
Sinusunod din ang tuntunin sa mga salitang-ugat na may pangngalang kabilaan (unlapi at hulapi)
Halimbawa: pagsunod-sunurin pagdugtong-dugtungin
4.3 Kung ang unang pantig ng salitang hiram ay may kambal katinig o klaster, inuulit ang unang katinig at patinig
Halimbawa: prito - magpi-prito plano - paplanuhin
Sa mga salitang hiram naman na karaniwa'y sa Ingles, ang inuulit ay ang tunog ng unang KP (katinig-patinig) ng orihinal na ispeling.
Halimbawa: brown out - magba-brown out photocopy - magpo-photocopy
4.4 Kung ang salitang hiram ay may digrapo o kambal katinig na may iisang tunog, inuulit ang digrapo at ang unang patinig o tunog sa Filipino ng unang pantig.
Halimbawa: tsokolate - magtso-tsokolate shopping - magsha-shopping

Subscribe to:
Posts (Atom)