Bilang mga Pilipino, nararapat na maging malay tayo hinggil sa ating wikang pambansa. Hindi tayo dapat na maging dayuhan sa atin mismong wika. Marapat lamang na higit kaninuman tayo ang nakababatid sa mga alituntunin sa wastong pagbigkas at pagbabaybay ng ating mga salita. Ito ay mangyayari lamang kung nababatid natin ang mga tuntuning mula sa Gabay sa Ortograpiya. Ang ortograpiya sa payak na salita ay ang pagbigkas at pagsulat natin sa ating mga salita.
Noong 2009 nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng aklat hinggil sa gabay sa ortograpiya. Sa pagpasok ng 2011 ay nagkaroon ng ilang mga paglilinaw sa mga tuntuning inilahad ng Komisyon. Narito ang ilan sa mga bagong tuntunin na dapat na malaman mo...
b.5 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na O hindi ito pinapalitan ng letrang U.
Halimbawa: ano-ano sino-sino solong-solo tulong-tulong halo-halo (magkakasama
ang iba't ibang bagay)
May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:
haluhalo (pagkain) salusalo (piging)
b.6 Sa mga salitang may O sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nananatili ang letrang O. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.
Halimbawa: Bukod-bukod magsunod-sunod magkagulo-gulo
Extend your reading habits and critical thinking for the topic discussed in the school is presented on this site.
Thursday, February 23, 2012
Gabay sa Ortograpiya
Maraming Salamat
Sa lahat po ng mga bumibisita at natutulungan ng mga impormasyong lumalabas sa blog na ito muli po ang aking pasasalamat sa inyo. Paumanhin sa mga antalang sagot sa ilang mga katanungan at madalang nang pagpo-post, naging abala lamang ako nitong mga nakaraang araw.
Muli maraming salamat sa inyong pagbisita.
Muli maraming salamat sa inyong pagbisita.
Subscribe to:
Posts (Atom)