Ang pang-uri ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. May iba’t ibang kaantasan ang pang-uri. Ang mga ito ay lantay, pahambing, at pasukdol.
Lantay – naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip.
Pahambing - nagtutulad ang pahambing na pang-uri sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pahambing na pang-uri.
a. Pahambing na magkatulad. Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-, kasing-, magkasing-, magsing-. Ipinapakilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
b. Pahambing na di magkatulad. Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, lalo, mas, di gaano, at tulad.
Pasukdol – ang pasukdol na antas ng pang-uri ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.