Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan o tumuturing sa pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay.
Uri ng Pang-abay
Pang-abay na Kataga o Ingklitik – Ito ay sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.
Pamamaraan – Ito ay nagsasaad ng kilos na sumasagot sa tanong na paano.
Panggaano – Ito ay sumasaklaw sa dami o sukat na isinasaad ng pandiwa at sumasagot sa tanong na: gaano?
Pang-agam – Ito ay kapag nagbabadya ng pag-aalinlangan.
Pamanahon – Ito ay nagsasaad ng panahon o oras at sumasagot sa tanong na: kailan?
Pananggi – Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat.
Panang-ayon – Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon.
Panlunan – Ito ay nagsasaad ng lunan o kinalalagyan.