Saturday, June 23, 2012

Mga Uri ng Tayutay

Ginagamit ang mga tayutay o figure of speech sa wikang Ingles upang  mapaganda at magawang mabisa, masining, at kawili-wili ang paglalarawan. May ilang mga tayutay na karaniwan nating naririnig sa ating magulang o kaya'y sa nakatatanda. Bagamat matalinghaga, patunay ito na napakayaman ng ating wika.

  • Pagtutulad - Paghahambing na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, parang
  • Pagwawangis - Paghahambing na tiyakan o tuwiran.
  • Personipikasyon - Pagbibigay-buhay sa mga bagay na tila isang tao
  • Pagmamalabis - Nagpapahayag ng sukdulan ng isang pangyayari
  • Pagtawag - Pakikipag-usap na tila kaharap.

Gamit ng May at Mayroon

Maliban sa ng at nang, marami pa rin ang nalilito sa kung kailan ba talaga dapat gamitin ang may at mayroon.

Hindi tulad ng NG at NANG na hindi halos makikita ang pagkakaiba at sinasabi ngang maaari nang pagpalitin, ang MAY at MAYROON ay may tanging gamit na kapag napagpalit ay makaaapekto sa paraan ng pakikipagtalastasan.

Gamit ng May
  • Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, at panghalip sa anyong paari
          Halimbawa: May batang pumasok sa silid.
                             Ang blusa ay may magandang kulay.
                             Nang dumating ako ay may bumati sa aking kaibigan.
                             May mahusay magtalumpati sa klaseng iyan.
                             May kanya-kanyang silid ang magkakapatid.
  • Ginagamit din ito kapag sinusundan ng mga at sa na ginagamit upang maglarawan.
          Halimbawa: May mga nagkalat ng papel sa ilalim ng mesa.
                             Kakaiba talaga si Kulas, may-sa palos ang taong iyon!

Gamit ng Mayroon
  • Ginagamit ang mayroon kung sinusundan ito ng panghalip na nasa anyong palagyo. 
          Halimbawa: Mayroon akong bagong sapatos.

  • Ginagamit ang mayroon bilang pansagot sa tanong.
          Halimbawa: May pasok ba ngayon? Mayroon.

Thursday, February 23, 2012

Gabay sa Ortograpiya

Bilang mga Pilipino, nararapat na maging malay tayo hinggil sa ating wikang pambansa. Hindi tayo dapat na maging dayuhan sa atin mismong wika. Marapat lamang na higit kaninuman tayo ang nakababatid sa mga alituntunin sa wastong pagbigkas at pagbabaybay ng ating mga salita. Ito ay mangyayari lamang kung nababatid natin ang mga tuntuning mula sa Gabay sa Ortograpiya. Ang ortograpiya sa payak na salita ay ang pagbigkas at pagsulat natin sa ating mga salita.

Noong 2009 nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng aklat hinggil sa gabay sa ortograpiya. Sa pagpasok ng 2011 ay nagkaroon ng ilang mga paglilinaw sa mga tuntuning inilahad ng Komisyon. Narito ang ilan sa mga bagong tuntunin na dapat na malaman mo...

b.5 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na O hindi ito pinapalitan ng letrang U.

      Halimbawa: ano-ano          sino-sino          solong-solo          tulong-tulong    halo-halo (magkakasama      
                                                                                                                               ang iba't ibang bagay)

May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:

                   haluhalo (pagkain)             salusalo (piging)

b.6 Sa mga salitang may O sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nananatili ang letrang O. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.

      Halimbawa: Bukod-bukod           magsunod-sunod        magkagulo-gulo

Maraming Salamat

Sa lahat po ng mga bumibisita at natutulungan ng mga impormasyong lumalabas sa blog na ito muli po ang aking pasasalamat sa inyo. Paumanhin sa mga antalang sagot sa ilang mga katanungan at madalang nang pagpo-post, naging abala lamang ako nitong mga nakaraang araw.

Muli maraming salamat sa inyong pagbisita.

Wednesday, December 7, 2011

Bahagi ng Aklat


Pabalat – ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.

Pahina ng Pamagat – nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.

Pahina ng Karapatang-ari – makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.

Paunang Salita – nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.

Talaan ng Nilalaman – makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.

Katawan ng Aklat – makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.

Glosari – nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.

Bibliograpi – nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.

Indeks – nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

Wednesday, November 23, 2011

Iba't ibang Sanggunian

ATLAS
Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong lupa na matatagpuan sa isang lugar.

DIKSYUNARYO
Ito ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang mga kahulugan ng isang saita. Nakahanay nang paalpabeto ang mga salita rito.

ALMANAC
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa. 

ENCYCLOPEDIA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.


Kayarian ng Pangngalan



May apat na uri ng pangngalan ayon sa kayarian.

Payak ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.
         
         
Maylapi ang pangngalan kung ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
         
      
Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan o ang bahagi nito ay inuulit. Ang pag-uulit na di-ganap ay pag-uulit lamang ng bahagi ng pangngalan.
         
          Samantala ang pag-uulit na ganap ay pag-uulit nang buong pangngalan.



Tambalan ang pangngalan kung binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-iisa. May mga pangngalang tambalan na nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagtatambal o tambalang di-ganap. Mayroon namang nawawala ang kahuluhan ng dalawang salitang pinagtatambal at nagkakaroon ng bagong kahulugan ang nabuong pangngalan o tambalang ganap.