Bilang mga Pilipino, nararapat na maging malay tayo hinggil sa ating wikang pambansa. Hindi tayo dapat na maging dayuhan sa atin mismong wika. Marapat lamang na higit kaninuman tayo ang nakababatid sa mga alituntunin sa wastong pagbigkas at pagbabaybay ng ating mga salita. Ito ay mangyayari lamang kung nababatid natin ang mga tuntuning mula sa Gabay sa Ortograpiya. Ang ortograpiya sa payak na salita ay ang pagbigkas at pagsulat natin sa ating mga salita.
Noong 2009 nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng aklat hinggil sa gabay sa ortograpiya. Sa pagpasok ng 2011 ay nagkaroon ng ilang mga paglilinaw sa mga tuntuning inilahad ng Komisyon. Narito ang ilan sa mga bagong tuntunin na dapat na malaman mo...
b.5 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na O hindi ito pinapalitan ng letrang U.
Halimbawa: ano-ano sino-sino solong-solo tulong-tulong halo-halo (magkakasama
ang iba't ibang bagay)
May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:
haluhalo (pagkain) salusalo (piging)
b.6 Sa mga salitang may O sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nananatili ang letrang O. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.
Halimbawa: Bukod-bukod magsunod-sunod magkagulo-gulo
Extend your reading habits and critical thinking for the topic discussed in the school is presented on this site.
Thursday, February 23, 2012
Gabay sa Ortograpiya
Maraming Salamat
Sa lahat po ng mga bumibisita at natutulungan ng mga impormasyong lumalabas sa blog na ito muli po ang aking pasasalamat sa inyo. Paumanhin sa mga antalang sagot sa ilang mga katanungan at madalang nang pagpo-post, naging abala lamang ako nitong mga nakaraang araw.
Muli maraming salamat sa inyong pagbisita.
Muli maraming salamat sa inyong pagbisita.
Wednesday, December 7, 2011
Bahagi ng Aklat
Pabalat – ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.
Pahina ng Pamagat – nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.
Pahina ng Karapatang-ari – makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.
Paunang Salita – nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman – makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.
Katawan ng Aklat – makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.
Glosari – nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.
Bibliograpi – nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.
Indeks – nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.
Wednesday, November 23, 2011
Iba't ibang Sanggunian
ATLAS
Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong lupa na matatagpuan sa isang lugar.
DIKSYUNARYO
Ito ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang mga kahulugan ng isang saita. Nakahanay nang paalpabeto ang mga salita rito.
ALMANAC
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.
ENCYCLOPEDIA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Labels:
almanac,
atlas,
diksyunaryo,
encyclopedia,
sanggunian
Kayarian ng Pangngalan
May apat na uri ng pangngalan ayon sa kayarian.
Payak ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.
Maylapi ang pangngalan kung ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan o ang bahagi nito ay inuulit. Ang pag-uulit na di-ganap ay pag-uulit lamang ng bahagi ng pangngalan.
Samantala ang pag-uulit na ganap ay pag-uulit nang buong pangngalan.
Tambalan ang pangngalan kung binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-iisa. May mga pangngalang tambalan na nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagtatambal o tambalang di-ganap. Mayroon namang nawawala ang kahuluhan ng dalawang salitang pinagtatambal at nagkakaroon ng bagong kahulugan ang nabuong pangngalan o tambalang ganap.
Konkreto at Di Konkretong Pangngalan
Ang mga pangngalan ay maaaring ipangkat kung ito ay kongkreto o di kongkreto.
Kongkretong pangngalan - ay mga pangngalang nahahawakan, nasasalat, naririnig o nakikita.
Di kongkretong pangngalan – ay mga pangngalang nararamdaman.
Tuesday, October 25, 2011
Kaantasan ng Pang-uri
Ang pang-uri ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. May iba’t ibang kaantasan ang pang-uri. Ang mga ito ay lantay, pahambing, at pasukdol.
Lantay – naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip.
Pahambing - nagtutulad ang pahambing na pang-uri sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pahambing na pang-uri.
a. Pahambing na magkatulad. Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-, kasing-, magkasing-, magsing-. Ipinapakilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
b. Pahambing na di magkatulad. Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, lalo, mas, di gaano, at tulad.
Pasukdol – ang pasukdol na antas ng pang-uri ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Subscribe to:
Posts (Atom)